^

Police Metro

Pinas talo sa Kaliwa Dam loan deal

Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinamon ng Makabayan bloc sa Kamara ang gobyerno na patunayang hindi lugi ang mga Filipino sa pinasok nitong kontrata sa China para sa pagtatayo ng Kaliwa Dam at Chico River Pump Irrigation na magmumula sa Quezon hanggang sa Tanay sa Rizal.

Nanindigan ang grupo na labag sa Konstitusyon ang loan agreement para sa naturang dam project na nagkakahalaga ng P12.20-bilyon.

Sa website ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ay sinabi nitong ongoing na ang acquisition sa mga lupa na daraanan ng Tunnel Outlet Portal at nakikipag-ugnayan  na ito sa mga LGU ng Infanta, Real, General Nakar, Quezon Province, Tanay,  Morong, Baras, Rizal Province at sa DENR su­balit iginiit ni Bayan Muna Rep. Isagani Carlos Zarate na dapat itong itigil ng gobyerno hanggang hindi naitatama ang mga ‘onerous provision’ sa kontrata na malinaw na hindi makabubuti sa mga Filipino.

Ayon kay Zarate, maaa­ring resolbahin ang water crisis nang hindi kinakaila­ngang magtayo ng dam na bukod sa malapit na sa fault line ay magdi-displace pa sa mga indigenous people at maglulunod sa bansa sa panibagong foreign debt lalo at 2% ang interest rate sa uutangin sa China.

Binira naman ni Bayan Muna Chairman Neri Colmenares ang confidentia­lity clause sa Kaliwa Dam project. Ayon kay Colmenares, dahil sa confidentia­lity clause na ito ay hindi basta-basta magkakaroon ng access sa naging loan agreement.

vuukle comment

KALIWA DAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with