^

Police Metro

3 guro patay, 8 sugatan sa road accident

Joy Cantos, Raymund Catindig - Pang-masa
3 guro patay, 8 sugatan sa road accident
Dead-on-the-spot sina Roderick Sucliyao at Marcelina Sapon habang idineklarang patay sa pagamutan si Cresencia Wandag Cayangao; pawang nagtamo ng matitinding pinsala sa katawan.
Philstar/File

MANILA, Philippines — Tatlong public school teacher ang nasawi habang walong kapwa nila guro ang sugatan matapos na bumaligtad ang sinasakyan nilang van makaraang sumalpok sa concrete barrier sa pakurbadang bahagi ng kalsada sa Brgy. Mabaca, Tanudan, Kalinga nitong Biyernes ng gabi.

Dead-on-the-spot sina Roderick Sucliyao at Marcelina Sapon habang idineklarang patay sa pagamutan si Cresencia Wandag Cayangao; pawang nagtamo ng matitinding pinsala sa katawan.

Sugatan naman ang walo pang guro na sina Arriane Kathlyn Dalanao; Nathaniel M. Dalanao Jr.; Hubert Abuwac; Ralyn Lugao Dao-ayan; James Ballay Abuwac; Leonida Abuwac Puctiyao; Francisca Addagan at driver na si Fernando Salvador Ducasao. Ang mga ito ay isinugod sa Kalinga Provincial Hospital at Cagayan Valley Medical Center.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi, dadalo sana sa Kalinga “Bodong Festival” sa kabisera ng Tabuk City ang grupo na sakay ng Hyundai Grace van nang pagsapit sa pababa at pukurbadang bahagi sa kahabaan ng Sitio Lonnog, Brgy. Mabaca ay bigla na lamang nawalan ng kontrol sa manibela si Ducasao bunsod upang bumangga sa concrete barrier sa gilid ng highway ang van at saka tuluyang bumaligtad.

Bunga nito, nasawi noon din sina Sucliyao at Sapon habang dead-on-arrival sa ospital si Cayangao.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with