^

Police Metro

Makati sex den ni-raid: 31 kababaihan, nasagip

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isa na namang sex den sa Makati City na pinatatakbo umano ng mga Chinese ang sina­lakay ng mga otoridad na nagresulta sa pagkakasagip sa 20 dayuhang babae at 11 Pinay na massage therapist, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, alas-10:50 ng gabi nang salakayin ng mga pulis katuwang ang Makati City Social Welfare Division at mga kinatawan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang 88 Hotel sa may Guerrero Street, Brgy.Poblacion.

Naabutan ng mga ­operatiba ang 18 babaeng Chinese, isang Koreana at isang Vietnamese na sinasabing mga inilalako ng sindikato.

Sa isa pang palapag ng gusali, 11 Pilipina naman na umaaktong mga massage therapists ang nailigtas. Habang inaresto naman ang 8 Chinese kustomer.

Nabatid na isinasagawa ang transaksyon sa pamamagitan ng online booking at kinakailangan na may Chinese na sponsor ang isang kustomer kung hindi siya Tsino.

Umaabot sa P15,000 ang bayad sa isang sex package.

vuukle comment

SEX DEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with