^

Police Metro

Babae na nagpaturok ng ‘glutha’, todas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang patay sa UST Hospital ang isang 33-anyos na babae na nawalan ng malay tao nang magpaturok ng beauty enhancer na “glutathione” at iba pang vitamins injectable sa isang beauty clinic sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa.

Ang nasawi ay kinilalang si Shyrill Gee Distor Y Empas, empleyado, ng no. 1091 Crisostomo St., Sampaloc, Maynila.

Sa ulat, nangyari ang insidente, dakong alas-3:00 ng hapon noong Lunes (Pebrero 3) sa loob ng Glutaholics Spa na matatagpuan sa no. 1434 Prudencio St. kanto ng Maria Clara St., Sampaloc, Maynila.

Nabatid na nagpunta ang biktima sa nasabing klinika para magpaturok ng glutathione na isina­gawa ng nurse na si Jillian Dizon.

Sinabi ni Dizon, na matapos turukan ng isang vial at isang ampule ng ascorbic acid vitarex-C ay nawalan ng malay ang biktima.

Kaya’t mabilis itong dinala sa nasabing ospital, subalit alas-11:13 ng gabi ng araw ring iyon ay idineklarang patay ang biktima ni Dr. Heart Yao.

Patuloy pa ang malalimang imbestigasyon na kasalukuyan pang inaantabayanan ang autopsy result at toxicology examinations sa labi ng biktima.

vuukle comment

GLUTATHIONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with