^

Police Metro

Galunggong lalagyan ng SRP

Angie dela Cruz - Pang-masa
Galunggong lalagyan ng SRP
Ito ang sinabi ni Agriculture Secretary William Dar nang pumalo na sa P240 hanggang P260 ang presyo ng kada kilo ng galunggong sa mga palengke mula sa dating P160 hanggang P180 kada kilo.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Isinama na ang isdang galunggong na lalagyan ng Department of Agriculture ng suggested retail price (SRP).

Ito ang sinabi ni Agriculture Secretary William Dar nang pumalo na sa  P240 hanggang P260 ang presyo ng kada kilo ng galunggong sa mga palengke mula sa dating P160 hanggang P180 kada kilo.

Anya, hindi dapat umabot ng P200 ang kilo ng galunggong dahil sapat ang suplay nito sa merkado at tapos na ang “close season” ng galunggong noong Enero.

Magugunita na noong Oktubre 2019 hanggang Ene­ro 2020 ay pinagbabawal ang panghuhuli ng isdang galunggong sa karagatan upang mabigyang daan ang pagpapadami ng kanilang bilang.

Plano ni Dar na kanselahin ang importasyon ng may 18,000 metric tons ng imported na galunggong mula China at Vietnam dahil tapos na ang “close season”.

vuukle comment

GALUNGGONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with