^

Police Metro

Mag-ina, 1 pa timbog sa P7.4-M shabu

Joy Cantos - Pang-masa
Mag-ina, 1 pa timbog sa P7.4-M shabu
Sa ulat nakumpiska ang 15 malalaking sachet ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P1 milyon sa suspek na si Ereño sa Zone 15, Brgy. Calaparan, Arevalo, Iloilo City.
File

MANILA, Philippines — Tatlong katao kabilang ang isang mag-ina ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation sa lalawigan ng Iloilo at nasa mahigit P7.4 milyon halaga ng shabu ang nasabat, kamakalawa ng gabi.

Ang tatlong naaresto ay kinilalang sina Lalaine Ereño; Jennifer Abantao Nosotros; at anak nitong si John Rey Nosotros na isang criminology student.

Sa ulat nakumpiska ang 15 malalaking sachet ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P1 milyon sa suspek na si Ereño sa Zone 15, Brgy. Calaparan,  Arevalo, Iloilo City.

Naaresto rin sa bayan ng Pavia, Iloilo ang mag-inang Nosotros na sina Jennifer at John Rey na sinasabing kapatid at pamangkin ng bigtime druglord na si Jovan Abantao na kasalukuyang nakaditine ngayon sa New Bilibid Prisons (NBP).

Ang mag-ina ay na­aresto sa harap ng isang mall at nakuha rito ang 2 malaking sachet ng shabu na may bigat na kalaha­ting kilo at 11 medium sized sachet ng shabu na nasa humigit kumulang tatlumpung gramo na may kabuuang halagang P6.3 M.

Nakumpiska  rin mula sa mga naaresto ang 1 digital weighing scale, cellphone, bungkos ng mga walang lamang plastic sachet at drug bust mo­ney na nagkakahalaga ng pitumpu’t limang libong piso.

vuukle comment

ILLEGAL NA DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with