^

Police Metro

Quezon City drug bust: 3 tiklo sa P4.8-milyon shabu

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga otoridad ang tatlong katao kabilang ang isang babae­ sa isinagawang drug buy-bust operation  at nakumpiska ang tinatayang P4.8 mil­yong halaga ng droga sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang tatlong suspek na sina Jamael Hzainal, 20, may-asawa, tubong Lanao del Sur; Nabel Ma­kabato, 27, may-asawa tubong Cagayan De Oro at Ricondaya Magarang, 51, dalaga ng Lanao Del Sur.

Sa ulat, alas-10:30 ng umaga sa Mayon St., corner Quezon Avenue, Brgy. Sta Teresita, Quezon City ay isang pulis na nagpanggap na bibili ng shabu sa halagang P20,000 sa mga suspek.

Habang inaabot ang droga ay dumating ang mga iba pang otoridad saka ina­resto ang tatlo na naku­haan ng 5 transparent plas­tic at 7 plastic sachet na nag­lalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 600 grams na tinatayang nagkakahalaga ng P4.8 milyon.

Narekober din sa ope­rasyon ang 2 sasakyan, na kinabibilangan ng isang puting Fortuner at isang Honda Civic, 2 cellphone, at P20,000 na perang gina­mit sa buy-bust transaction.

vuukle comment

ILLEGAL NA DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with