^

Police Metro

Totoy hulog sa trike, pisak sa trak

Christian Ryan Sta. Ana - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang 12-anyos na totoy matapos magulungan ng isang trailer truck makaraang mahulog sa sinasakyang tricycle sa kahabaan ng highway sa Brgy. Tabuating, sa bayan ng San Leonardo, Nueva Ecija, noong Biyernes ng umaga.

Ang nasawing Grade 6 student ay kinilalang si Melmar Lorme, residente ng Brgy. Del Pilar, San Fernando, Pampanga.

Putuloy namang pinaghahanap ng mga otoridad ang tumakas ng driver ng nakasagasang truck (NAY-4429) sa biktima.

Sa ulat, dakong alas-10:45 ng umaga, sakay ang biktima ng kanilang tricycle na minamaneho ng kanyang ama at patungo sa Cabanatuan City habang ang trailer truck ay pasalungat naman o patungo sa direksyon ng lalawigan ng Bulacan.

Sa hindi mabatid na kadahilanan ay bigla umanong inokupa ng nasabing trailer truck ang linya ng tricycle. Upang maiwasan umanong masalpok ng truck ay kinabig ng tatay ng biktima ang manibela at na-swak ang kanyang sinasakyan sa malalim-lalim na bahagi ng kalsada na nagresulta sa pagkalaglag ng biktima sa sementadong national highway at dito na aksidenteng nagulungan ng trailer truck ang batang biktima.

Hindi naman sinabi sa ulat kung nasaktan din ang ama ng bata.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with