^

Police Metro

Dalaga pinasok, kinaladkad palabas ng bahay bago pinatay

Jorge Hallare - Pang-masa
Dalaga pinasok, kinaladkad palabas ng bahay bago pinatay
Tigmak sa sariling dugo nang matagpuan ng mga kaanak na may 30-metro ang layo mula sa kanilang bahay ang biktimang si Shiela Arizala, residente ng nasabing barangay.
File

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 26-anyos na dalaga nang pasukin sa loob ng bahay at saka kinaladkad palabas bago pinagtulungang tadtarin ng taga ng dalawang ‘di pa nakikilalang lalaki sa Sitio San Roque, Brgy. Rizal sa bayan ng Monreal, Masbate kamakalawa ng gabi.

Tigmak sa sariling dugo nang matagpuan ng mga kaanak na may 30-metro ang layo mula sa kanilang bahay ang biktimang si Shiela Arizala, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi habang nag-iisa sa loob ng kanilang bahay si Arizala nang puwersa­hang pumasok ang hindi nakilalang mga lalaki na armado ng itak.

Kinaladkad ang biktima palabas ng kanilang bahay at nang sa di-kalayuan ay pinagtulungang pagtatagain sa kabila nang palahaw at pagmakaawa nito.

Tumakas ang mga suspek makaraang patay na bumulagta ang biktima.

Hindi pa malaman ang pagkakakilanlan at motibo ng mga suspek habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with