^

Police Metro

25 toneladang karne ng manok, nagpositibo sa ASF

Doris Franche-Borja - Pang-masa
25 toneladang karne ng manok, nagpositibo sa ASF
Kabilang sa mga nasabat ay ang 988 kahon ng chicken pot wrapped, 499 kahon ng chicken with black pepper at 199 kahon ng popcorn chicken na pawang mga galing China.
File

MANILA, Philippines — Umaabot sa 25 to­neladang karne ng manok na kontaminado sa African swine flu (ASF) ang nasabat ng mga tauhan ng Manila  Veterinary Inspection Board sa  Manila Harbour Center.

Kabilang sa mga nasabat ay ang 988 kahon ng chicken pot wrapped, 499 kahon ng chicken with black pepper at 199 kahon ng popcorn chicken na pawang mga galing China.

Sa pagkakadiskubre ng kargamento ay lumabas ang paglabag ng kompanyang  Ecosafe Agro Products Manufacturing ni Fernando Cortez na may address na Firstlink Container Yard, Harbour Center, Rd. 10 Vitas, Tondo.

Kabilang sa nilabag ng kompanya ang RA 9296 na inamyendahan ng RA10536 Meat Inspection Code of the Philippines; RA 10611 o Food Safety Act of the Philippines at DA no. 26  series o 2005 at lumalabas din na walang permit para sa meat importation at  cold storage.

Nag-isyu na ang local na pamahalaan ng Maynila ng closure order sa nasabing kumpanya dahil sa misdeclaration at nakatakdang sampahan ng kaso ang kumpanya.

vuukle comment

AFRICAN SWINE FLU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with