‘Sex service’ sa POGO workers nabunyag
MANILA, Philippines — Inilalako na parang pagkain sa mga restoran ang sexual services ng mga Chinese prostitute sa Pilipinas na ang karamihan sa mga kliyente ay mga nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).
Ito ang nabunyag kahapon sa pagdinig sa Senado ni Sen. Risa Hontiveros, chair ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality na kung saan ang kalimitang ginagamit na prostitution dens ang mga massage at spa facilities.
Nabatid na naoorder ang serbisyo ng mga Chinese prostitutes sa pamamagitan ng messaging apps na Telegram at WeChat na ang halaga ng sexual service ay umaabot ng mula P13,000 hanggang P16,000 para sa isa’t kalahating oras na serbisyo o P30,000 para sa buong gabing serbisyo.
Nabatid na may code rin ang mga babaeng ibinubugaw sa Chinese app na WeChat kung saan ang ibig sabihin ng “new tea” ay babae, samantalang ang “fast food” ay ‘quickie sex.’
Kinumpirma naman ni National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Director for Special Investigation Services Vicente de Guzman na dumami ang mga prostitution dens sa bansa dahil sa POGO.
“Ang ini-entertain lang ay Chinese nationals. And most of their customers are POGO players. So ang indication na ito ay talagang they are entertaining players from POGO,” dagdag pa ni de Guzman.
Nilinaw din ni de Guzman na base sa kanilang impormasyon, itinayo ang mga prostitution dens hindi para sa mga employee ng POGO kundi para sa kanilang mga Chinese customers.
- Latest