^

Police Metro

Misis na pulis inutas ng mister na pulis

Joy Cantos - Pang-masa
Misis na pulis inutas ng mister na pulis
Sa ulat, bago nangyari ang krimen, alas-7:00 ng umaga sa loob ng bahay ng mag-asawang pulis na matatagpuan sa Sitio Ingod, Brgy. Centro ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa hindi pa malamang dahilan ang mag-asawa na nagkulong sa kanilang silid.
File

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang ginang na pulis nang siya ay pagbabarilin ng kanyang mister na isa ring pulis na nagtangka ring magpakamatay naganap sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Centro, Tubigon, Bohol, kahapon ng umaga.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Police Staff Sergeant Juliet Tuquib, kasapi ng Clarin Municipal Police Station (MPS). Habang nasa kritikal na kondisyon sa ospital ang mister nitong si Police Staff Sergeant Ariel Tuquib, matapos magbaril sa ulo.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen, alas-7:00 ng umaga sa loob ng bahay ng mag-asawang pulis na matatagpuan sa Sitio Ingod, Brgy. Centro ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa hindi pa malamang dahilan ang mag-asawa na nagkulong sa kanilang silid.

Ilang saglit pa ay narinig ang mga putok ng baril sa loob ng silid ng mag-asawa at nagresponde ang mga operatiba ng pulisya sa lugar at dito inabutan ang babaeng parak na duguang nakahandusay sa sahig habang may tama rin ng bala at umaagos ang dugo mula sa kaniyang ulo ang suspect na mister na patuloy pa ring inoobserbahan sa ospital.

vuukle comment

PAGBABARILIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with