^

Police Metro

Quezon City road crash: 1 patay, 5 sugatan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang biktimang si Antonio Abejuro Sr., 77, na nakatira sa No.2 Road 7 Street, Barangay Bagong Pagasa, Quezon City, habang nasugatan ang limang bystander nang sila ay salpukin ng isang Innova sa tapat ng isang kilalang mall sa Edsa, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Gerald Angeles, 27, call center; Eraquivic Celocia, 28, waiter; Christian Paul Domalin, 27, waiter; Kier­vin Dela Cruz, 25, call center agent; at Antonio Abejuro, Jr, 35.

Sa ulat, alas-3:25 ng madaling araw ay nag-aabang ng masasakyan sa tapat ng SM North Edsa ang mga biktima nang sila ay araruhin ng Innova (ZAM-896) na minamaneho ng suspek na si Ivan Matthew Navarro, 21, estudyante nang ito umano ay mawala ng kontrol sa manibela.

Tumalsik ang matanda at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan habang ang ibang nasugatan ay mabilis na isinugod sa pagamutan.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with