^

Police Metro

Dinukot na car agent pinatay ng 2 buyer

Cristina Timbang - Pang-masa
Dinukot na car agent pinatay ng 2 buyer
Sa imbestigasyon, noong Enero 21, dakong ala-1:30 ng tanghali nang katagpuin ng biktima sa Imus, Cavite ang dalawang suspek na nagpa­kilalang mga CIDG na bibilhin ang ibinebentang Toyota Hilux ng kanilang ini-road test at simula noon ay hindi na natagpuan ang biktima.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinatay ng dalawang nagpanggap na buyer ang isang buy and sell car agent na si Manuel Tolentino na ang bangkay ay natagpuan kahapon ng umaga  sa madamong bahagi ng Coastal Bay Subdivision, Brgy. San Rafael 4, Noveleta, Cavite.

Agad naman naaresto sa isang follow operation ang dalawang suspek na kinilalang sina Mahdie Manhotara alyas Justine at Edgardo Del Rosario na nakakulong sa Cavite-CIDG.

Sa imbestigasyon, noong Enero 21, dakong ala-1:30 ng tanghali nang katagpuin ng biktima sa Imus, Cavite ang dalawang suspek na nagpa­kilalang mga CIDG na bibilhin ang ibinebentang Toyota Hilux ng  kanilang ini-road test at simula noon ay hindi na natagpuan ang biktima.

Humingi ng tulong ang pamilya ng biktima sa CIDG-Cavite hanggang sa ma-locate ang sasakyan ng biktima na nagresulta sa pagkaka­aresto ng dalawang suspek na umamin na binaril ng nakaposas at nakapiring ang biktima at itinapon ang bangkay sa nasabing lugar.

Ang dalawang suspek ay kinasuhan ng murder, carnapping at usurpation of authority.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with