^

Police Metro

PNP kumilos vs coronavirus

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Gamboa ang PNP Health Service na makipagtulungan sa Department of Health (DOH) upang imbestigahan at imonitor ang peligrosong sakit na coronavirus na nakaapekto sa isang 5-anyos na batang Chinese na dumating sa bansa noong Enero 12.

Partikular na binigyan ng direktiba ni Gamboa si PNP Health Service Director Police Brig. Gen. John Luglug na makipagkoordinasyon kay Health Secretary Francisco Duque III kaugnay ng batang lalaking Chinese na nagpositibo sa coronavirus nang dumating Cebu kasama ang kaniyang ina galing Wuhan, China para magpaturo umano ng English.

Ang Wuhan ay siyang epicenter sa China ng nasabing coronavirus na delikadong makahawa sa pamamagitan lamang ng paghawak ng taong maysakit nito at pag-ubo.

Kasalukuyang naka-confine sa isang ospital sa Cebu City ang bata na mahigpit na minomonitor ng mga doktor ang kondisyon.

Samantala, inaasahang ilalabas ngayong hapon ang resulta ng pagsusuri sa batang Chinese nang mapasakamay ng mga espesyalist sa Melbourne, Australia ang samples na kinuha sa bata.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque, agad silang magsasagawa ng contract tracing sa sandaling magpositibo sa SARS-like virus na kumakalat ngayon sa China.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with