^

Police Metro

Konti na lang ang pagyanig, pero mayroon pa ring panganib - Phivolcs

Angie dela Cruz - Pang-masa
Konti na lang ang pagyanig, pero mayroon pa ring panganib - Phivolcs
Ito ang inihayag ng Phivolcs na umaasa na kumalma na nang tuluyan ang Bulkang Taal dahil sa patuloy na pagbaba ng mga aktibidad na naitatala.
Walter Bollozo

MANILA, Philippines — Mas kakaunti na ang naitalang pagyanig sa paligid ng Bulkang Taal, pero paglilinaw ng Phi­lippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na hindi ibig sabihin nito ay wala nang panganib.

Ito ang inihayag ng Phivolcs na umaasa na kumalma na nang tuluyan ang Bulkang Taal dahil sa patuloy na pagbaba ng mga aktibidad na naitatala.

Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala lamang ng 153 tonelada ng asupre ang nailuwa ng naturang bulkan mula sa dating 344 tonelada kada araw.

Pinakamaraming na­iluwang asupre ang bulkan noong sumabog noong Ene­ro 13 na nag­luwa ng 5,299 tonelada.

Nakapagtala lamang ang bulkan ng 6 volcanic earthquakes na hindi naman naramdaman ng mga tao.

Gayunman, nananatili pa ring ipinaiiral ng Phivolcs ang Alert Level 4 status sa paligid ng Bulkang Taal  dahil sa patuloy na pagkakaroon ng magmatic intrusion sa paanan ng bulkan na indikasyon na posible pa ring may maganap na malakas na pagsabog.

Kung sakaling magkaroon ng malakas na pagsabog ang iluluwa nitong abo ay dadalhin ng hangin pa timog partikular sa lalawigan ng Laguna.

vuukle comment

PHI­LIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with