^

Police Metro

Bagitong pulis patay, 4 naratay sa training

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pang-masa
Bagitong pulis patay, 4 naratay sa training
Kinilala ang biktima na si Patrolman Angelo Tito, binawian ng buhay nitong Biyernes ilang oras matapos itong ilipat sa Metro Davao Medical and Research Center (MDMRC).
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Posibleng hindi naka­yanan ng pangangatawan ang matinding training kung kaya’t isang baguhang pulis ang nasawi habang apat naman sa mga kasamahan nito ang naratay habang sumasailalim sa matinding pagsasanay sa Camp Quintin Merecido, Buhanginan, Davao City, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Angelo Tito, binawian ng buhay nitong Biyernes ilang oras matapos itong ilipat sa Metro Davao Medical and Research Center (MDMRC).

Ang biktima ay na-diagnose na nasawi sa sinus tachycardia secondary to severe dehydration o heat stroke.

Samantalang sina Patrolman Dexter Buca­ling at Patrolman Exel Busalia ay patuloy na nagpapagaling sa Southern Philippine Medical Center sa lungsod. Si  Patrolman Juvanny Saydaw ay nakalabas na sa Camp Quintin Merecido Medical Hospital habang nasa maayos na ring kondisyon si Patrolman Fraxsdicio II Florentino.

Base sa report, bandang alas-4:30 ng hapon kamakalawa nang bigla na lamang himatayin sa ‘road run’ ang nasabing mga trainees sa Sun City, Brgy. Communal ng lungsod.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang mga hinimatay na pulis ngunit binawian ng buhay si Tito matapos ng ilang oras makaraang mailipat sa naturang pagamutan.

Kaugnay nito, sinabi ni PBGen. Filmore Escobal ng PRO 11 Regional Director na magbibigay sila ng tulong sa mga biktima maliban pa sa isasagawang imbestigasiyon kung meron bang paglabag sa nasabing training program.

vuukle comment

PATAY

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with