^

Police Metro

Matinding pagsabog ng Bulkang Taal, posible pa!

Angie dela Cruz - Pang-masa
Matinding pagsabog ng Bulkang Taal, posible pa!
Pinupuno ng mga residenteng apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal sa Tagaytay City ang lagayan ng tubig para magamit sa kanilang pangangailangan.
KJ Rosales

Sa mga naitalang steam emission - Phivolcs

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum na posible pang mangyari ang pinangangambahang malakas na pagsabog ng Bulkang Taal.

Ito ay dahil sa naita­lang steam emission at mahihinang pagsabog na naobserbahan sa bulkan sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivolcs, nag­labas ng dark gray ash plumes na may taas na 100 hanggang  800 metro mula sa bunganga ng bulkan at ang mga bitak na lupa sa mga bayan sa palibot ng bulkan ay mas lumaki pa lalo na sa ba­yan ng Lemery, Agoncillo, Talisay, at San Nicolas sa Batangas ay lumawak ng ilang sentimetro.

Nakapagtala naman ng 65 volcanic earthquakes  sa palibot ng bulkan hanggang kahapon ng umaga o may kabuuang 634 volcanic earthquakes mula nang sumabog ang bulkan noong  linggo.

Idinagdag pa ng Phivolcs, ang mga naitatalang aktibidad sa bulkan ay nagpapakita ng patuloy na magmatic intrusion sa ilalim ng bulkan na maaa­ring magdulot ng pagsabog.

Nananatiling nasa alert Level 4 status ang bulkan at patuloy na ipinagbabawal ang pagpasok ng sinuman sa loob ng 14-kilometer radius mula sa bunganga ng bulkang Taal.

vuukle comment

BULKANG TAAL

PHIVOLCS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with