^

Police Metro

Tondo fire: 6 katao patay

Ludy Bermudo - Pang-masa
Tondo fire: 6 katao patay
Batay sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog, alas-2:30 ng mada­ling araw sa ika-2 palapag na bahay ng isang Evangeline Loteyro sa no. 2016-C Katamanan St., na mabilis na kumalat sa 20 kabahayan na magkakadikit kabilang ang bahay ng mga biktima.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Natusta ang 6 katao matapos makulong sa nasusunog nilang bahay sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Halos uling na nang matagpuan ang katawan ng mga biktima na kinilalang sina Odessa Conde, 36; mga anak nitong sina Yhancy Kieffer, 8; Yara Courtney, 9; at Yhexel George, 10; pinsan ni Odessa na person with disability na si Jean Paul Esguerra, 42; at isang Aquelina Romero Javana, 44, pawang residente ng Yuseco St., Tondo.

Nasugatan naman ang anim na iba pa kabilang ang mister ni Odessa na si George, 43 na nagtamo ng second degree burns na ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC).

Batay sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog, alas-2:30 ng mada­ling araw sa ika-2 palapag na bahay ng isang Evangeline Loteyro sa no. 2016-C Katamanan St., na mabilis na kumalat sa 20 kabahayan na magkakadikit kabilang ang bahay ng mga biktima.

Hinala ng mga bumbero na hindi nakalabas ng bahay ang mag-iina nang mabagsakan ng kisame at ang kaanak na PWD na si Esguerra.

Huling nadiskubre ang bangkay ni Javana na nasa loob ng banyo alas-8:54 na ng umaga.

Umakyat sa ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang naideklarang under control dakong alas-3:52 ng madaling araw, at tuluyang naapula alas-7:14 ng umaga.

Isang Eduardo Loteyro alyas “Doy” na anak umano ni Evangeline Loteyro na isa umanong drug addict ang suspek sa panununog.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with