^

Police Metro

5 katao dedo sa road crash

Joy Cantos, Ludy Bermudo, Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang limang katao sa magkakahiwalay na salpukan sa kalsada sa Maynila, Pampanga at Abra.

Sa Tondo, Maynila nasawi ang dalawang babae na kinilalang sina Ana Virginia dela Cruz, 27, ng no. 63 San Roque St., Bagumbayan, Quezon City at Ilora Joyce Suñer, 25, ng no. 1783 Yakal St., Tondo.

Sa ulat, sakay ang dalawa ng motorsiklo at binabaybay ang kahabaan ng Abad Santos at pagdating sa kanto ng Quiricada St., ay nasalpok sila ng 14 wheeler truck na minamaneho ni Roilan Ruado, 41, ng no. 232 A. Paz St., Bagumbayan, Pililla, Rizal, ala-1:00 ng madaling araw.

Sa kahabaan naman ng North Luzon Expressway ay nasawi ang dalawang katao na ang isa ay kinilalang si Adel Guico, driver ng delivery jeepney at kanyang pahinante nang sumalpok sa nadiskaril na truck wing van na minamaneho ni Joel Bueno sa nasabing lugar kahapon ng alas-4:50 ng madaling araw.

Patay naman ang da­ting beauty queen na si Cristina Bersalona, 30, isang non-uniformed personnel ng Abra Provincial Police Office habang malubha ang pinsan nitong si Jerome Blanes.

Sakay ng motorsiklo ang magpinsan at pauwi na sa Brgy. Bañacao, Bangued mula sa Command Conference ng Abra Police Office nang dumausdos ang kanilang motor na bumangga sa nakabunton na buhangin sa kinukumpuning kalsada.

vuukle comment

ANA VIRGINIA DELA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with