^

Police Metro

12 medical supply store kakasuhan ng DTI

Danilo Garcia, Doris Franche-Borja - Pang-masa
12 medical supply store kakasuhan ng DTI
Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na 12 sa 17 establi­si­m­yento na kanilang inins­peksyon sa Bambang, Maynila ay kakasuhan ng ‘profiteering’ base sa Consumer Act of the Philippines.
Manjunath Kiran/AFP

MANILA, Philippines — Kasong kriminal at administratibo ang kakaharapin ng 12 tindahan ng medical supply na nagsamantala umano at labis na nagtaas ng presyo sa itinitinda nilang N95 mask pagkaraan ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na 12 sa 17 establi­si­m­yento na kanilang inins­peksyon sa Bambang, Maynila ay kakasuhan ng ‘profiteering’ base sa Consumer Act of the Philippines.

Pinaalala ng DTI na may ipinatutupad na price freeze sa mga panguna­hing bilihin sa mga apek­tadong lugar ng pagsabog habang nag-isyu rin ang Department of Health ng price freeze sa mga produktong medikal tulad ng mga gas at face masks, nebuli­zer, at iba pang gamot.

Nakipag-ugnayan na rin ang DTI sa mga na­ngungunang manufactu­rers at retailers ng mga medical supplies tulad ng mga kilalang drug store, nangakong hindi gagalawin ang presyo ng kanilang mga produkto partikular na ang N95 masks at agad na magre-restock.

Habang hindi pa du­madating ang mga bagong stock ng N95 masks, da­dalhin muna ang mga stock nila sa mga sangay na hindi apektado ng ash- fall sa mga tindahan nila sa CALABARZON at Metro Manila.

vuukle comment

BULKANG TAAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with