^

Police Metro

Mga destabilizers ni Duterte nahuhubaran na

Rudy Andal - Pang-masa
Mga destabilizers ni Duterte nahuhubaran na
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Pa­nelo, tiyak na namimilipit na ngayon sa kahihiyan si Trillanes kasunod ng pagbaligtad ni Sabio na aniya’y inuusig na nga­yon ng konsensiya.
PCOO

MANILA, Philippines — Tila ashfall na bumabagsak at nahuhubaran ang baho ng mga des­tabilizers ni Pangulong Rodrigo Duterte kabilang na si dating Sen. Antonio Trillanes dahil sa pagwi-withdraw ni Atty. Camilo “Jude” Sabio sa inihain nitong reklamong crime against humanity sa Pangulo sa International Criminal Court.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Pa­nelo, tiyak na namimilipit na ngayon sa kahihiyan si Trillanes kasunod ng pagbaligtad ni Sabio na aniya’y inuusig na nga­yon ng konsensiya.

Binanatan din ng Pa­lasyo ang ICC na dapat na aniyang magising sa pagiging ignorante nito at mapagtantong nagagamit lamang sila ng mga indibidwal na ang tanging puntirya ay pabagsakin ang Duterte presidency.

Ang aniya’y professional tie sa pagitan nina Trillanes at ni Sabio ay nagwakas matapos na hindi mabayaran ang huli ng kanyang professional fee ng dating senador dahilan para ito’y bumaligtad gamit ang alibi na ayaw na niyang magamit sa political propaganda.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with