Babae tumalon sa riles ng LRT-1
MANILA, Philippines — Nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan nang pagtalon sa riles ng LRT-1 ang isang babaeng pasahero sa bahagi ng Doroteo Jose Station sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng alas-7:09 ng umaga.
Mabilis namang nakapag-emergency break ang train operator kaya hindi nasagasaan ang nasabing pasahero na naging dahilan upang maantala ang biyahe sa loob ng 24 minuto.
Agad itong sinaklolohan ng mga tauhan ng LRT 1 at dinala sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) at inilipat sa Medical Center Manila para sumailalim sa x-ray, ultrasound at CT scan dahil sa tinamong head lacerations at gasgas sa mukha.
- Latest