12 BIFF terrorist, sumuko
MANILA, Philippines — Labindalawang miyembro ng lokal na teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang boluntaryong sumuko sa tropa ng pamahalaan kamakalawa sa Barongis, Maguindanao.
Sinabi ni Major John Arvin Encinas, Spokesperson ng AFP-Western Mindanao Command na ang mga nagsisukong BIFF fighters ay mula sa Bungos faction na kinilalang sina Wazire Talib Kumpas, Carlo Talib Maon, Alamansa Makungay Talib, Pair Andongan Makapagal, Tomy Maslayboto Mato, Mama Daud Jainudin, Jomar Masla Boy, Muhamad Saylila, Urasay Badi, Ben Saptula, Usman Gandang at Agar Mangatug.
Sa ulat, bandang alas-10:30 ng umaga nang magsisuko ang mga terorista sa tropa ng Army’s 33rd Infantry Battalion sa Barongis, Maguindanao at isinurender rin ng mga ito ang kanilang mga armas.
- Latest