^

Police Metro

Kelot na 3X na nakaligtas sa kamatayan, napatay sa ikaapat na pagkakataon

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bagama’t nakaligtas sa tatlong beses na pagtatangka sa kanyang buhay ay hindi na naligtasan ng isang binata ang ikaapat na pagkakataon matapos siyang barilin at mapatay ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo, kahapon ng madaling araw sa Taguig City.

Ang biktima na nasawi noon din ay nakila­lang si Lorvie Gonzaga, 28, binata, ng No. 75 ML Quezon Street, Brgy. Wawa, ng lungsod. Sa ulat, bago naganap ang krimen, ala-1:00 ng madaling araw sa kahabaan ng Cadena De Amor Street sa Brgy. Wawa ay mag-isang naglalakad ang biktima pauwi ng kaniyang bahay nang big­la siyang harangin ng isang motorsiklo sakay ang dalawang salarin.

Walang kaabug-abog na pagbabarilin ang biktima na namatay noon din habang mabilis na tumakas ang mga salarin.

Ilan sa mga anggulo na iniimbestigahan ng pulisya ang pagkakasangkot ng biktima sa droga at love triangle na kung saan ay tatlong beses na itong pagtangkaang patayin, subalit kanya lamang naliligtasan.

vuukle comment

BARILIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with