^

Police Metro

Mag-utol na nakamotor dedbol sa road test

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang magkapatid makaraang banggain ng pampasaherong bus ang kanilang minamanehong motorsiklo sa Quirino highway, Barangay Bagong Silang, kamakalawa ng hapon.

Ang nasawing magkapatid ay kinilalang sina Celso Postre Jr., 35, may asawa; at Christopher Postre, 21, binata at mga residente ng Del Gallego, Camarines Sur.

Sa ulat, ni-road test ni Celso ang bagong biling motorsiklo at iniangkas ang kapatid patungo sa direksyon ng Lucena City, gayunman pagsapit sa kurbada ay tinumbok silang banggain ng kasalubong na AB Liner bus na minamaneho ni Armando Ricarte Jr. ng Lopez, Quezon

Sa lakas nang pagkakabangga ay tumilapon ang magkapatid at una ang ulong bumagok sa kalye.

Nadala pa ang magkapatid sa Ma.Eleazar Memorial District Hospital, subalit nalagutan din ng hininga.

vuukle comment

BANGGAIN NG PAMPASAHERONG BUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with