^

Police Metro

Presyo ng face mask pumalo sa P200

Danilo Garcia, Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang pagbuga ng ashfall ng Bulkang Taal ay pumalo sa P200 ang presyo ng N95 face mask na dati ay ibinibenta lamang sa halagang P25-P30.

Kaya’t kinalampag ni Sen.Grace Poe ang Department of Trade and Industry (DTI) dahil bukod sa biglang nagmahal ang presyo, nagkaubusan din ng stocks matapos magpakawala ng abo noong Linggo ng hapon.

“Ngayong may kalamidad, huwag dapat maging mapagsamantala, sa halip ay dapat umiral ang kabayanihan tulad ng ginagawa rin ng marami nating kababayan,” sabi ni Poe.

Samantala, nagpakalat na ang DTI ng kanilang mga tauhan para umikot sa iba’t ibang mga pamilihan para supilin ang mga napaulat na pag-abuso sa presyo ng mga face masks na pinagkakaguluhan ng publiko dahil sa nararanasan na ash fall. 

Ang mapapatunayang umaabuso sa presyo ng mga face masks ay lalabag sa “profiteering” at pananagutin ng DTI base sa isinasaad ng batas.

vuukle comment

FACE MASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with