^

Police Metro

Solon: Tiyaking mabibigyan ng trabaho ang mga uuwing OFW

Pang-masa
Solon: Tiyaking mabibigyan ng trabaho ang mga uuwing OFW
Nakauwi na ng bansa nitong Biyernes ang OFW na si Maricar Nievera (kaliwa) galing ng Kuwait matapos na sagipin at tulungan ni Palayan City Mayor Rianne Cuevas katulong ang POEA, OWWA at Palayan City Public Employment Office.

MANILA, Philippines — Mabibigyan ng trabaho ang mga pauuwiing mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) na galing sa bansang Iran at Iraq bunsod na rin ng naka-ambang ‘total deployment ban’.

Ito ang nais ipatiyak sa pamahalaan ni ACT-CIS Cong. Eric Yap na dapat ngayon pa lamang ay naghahanap na ng trabaho ang Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) at POEA para sa mga mapapauwing mga OFW.

Sang-ayon si Cong. Yap na dapat unahin ang kaligtasan ng mga OFW sa mga naggigiriang bansa, pero dapat ding isaalang-alang ang kinabukasan ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng alternatibong hanapbuhay.

Inihalimbawa pa ni Cong. Yap ang nangyari sa Libya noong magkaroon ding may kaguluhan doon ay hindi lahat ng OFW ay nakumbinsing umuwi sa bansa, gayundin noong magbigay ng amnesty ang Kuwait ay hindi rin nag-avail ang lahat ng OFW dahil walang trabaho ang naghihintay sa kanila sa Pilipinas.

Subalit, kung magagarantiya ng gobyerno na may malilipatan silang trabaho sa Pilipinas o kaya’y sa ibang parte sa Middle East at sa ibang bahagi ng Asya ay tiyak na sasama o papayag ang mga OFW sa alok ng gobyerno na umuwi na muna.

Batid ni Cong. Yap na ginagawan na ng paraan ni DOLE Sec. Silvestre Bello ang ‘unemployment vacuum” sakaling matuloy na bumalik sa bansa ang libu-libong OFW na galing sa Iran, Iraq at Kuwait.

vuukle comment

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with