^

Police Metro

Niratrat habang nagpapa-vulcanize: Rider tigok, angkas sugatan

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang rider ng motorsiklo habang sugatan naman ang kanyang angkas nang pagbabarilin ng ‘di pa nakikilalang suspek habang ang mga biktima ay nagpapa-vulcanize sa gilid ng highway sa Brgy. Malabanban Norte, Candela­ria, Quezon, kamakalawa ng hapon. Nagtamo ng mga tama ng bala mula sa cal .9MM sa iba’t ibang parte ng katawan si Norman Sarmiento, 35, may asawa ng Barangay Sta. Catalina na agad niyang ikinamatay. Samantalang ginagamot sa Candelaria District Hospital dahil sa tama ng bala sa hita si Christian Belila, 34, ng Sariaya, Quezon.

Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-4:20 ng hapon ay ipinarada ng mga biktima ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa harapan ng isang vulcanizing shop upang ipa-vulcanize ang nabutas na gulong.

Habang nakaupo ang dalawa sa labas ng vulcanizing shop ay lumapit sa kanila ang hindi nakikilalang lalaki saka nagpaulan ng bala.

Mabilis na tumakas ang salarin sakay ng isang motorsiklo sa ‘di nabatid na direksyon.

Inaalam na ngayon ng pulisya ang pagkaka­kilanlan ng salarin at ang motibo nito sa krimen.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with