Sekyu dedo sa motorcycle crash
MANILA, Philippines — Patay ang isang rider na security guard matapos sumalpok sa isang poste ng kuryente ang minamaneho nitong motorsiklo naganap sa Sta. Maria, Ilocos Sur, kahapon ng madaling araw.
Hindi na umabot pang buhay sa Ilocos Sur District Hospital-Narvacan ang biktimang si Ariel Cabrera, 26-anyos.
Sinabi ni Police Staff Sergeant Anjelica Diga na pauwi na si Cabrera sa Narvacan nang gumewang ito sa kurbadang bahagi ng highway at tinumbok ang poste sa Barangay Suso dakong ala-1:45 ng madaling araw.
Sinikap isugod ng mga sumaklolo si Cabrera sa naturang pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival.
Nabatid na naka-helmet naman ang biktima subalit nagmula ito sa isang inuman bago siya nakipagtipan kay kamatayan.
- Latest