^

Police Metro

Mayor Belmonte magpapatupad ng protocol sa ASF

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipapatupad ng Quezon City government hinggil sa pag-inspeksiyon sa kaso ng African Swine flu sa lungsod.

Ito ang inihayag kahapon ng hapon ni Mayor Joy Belmonte makaraang pulungin ang mga may-ari at opisyales ng mga supermarket sa lungsod para pagtulungang maresolba ang usapin sa ASF. 

Ipinatawag ni Belmonte ang pulong nang madiskubre ng mga tauhan ng QC Hall na may naibebentang karne ng baboy sa dalawang supermarket sa Congressional at Commonwealth na kontaminado ng ASF.

Sinabi rin ni Belmonte na hihilingin niya sa Konseho na gumawa ng batas na magpapatindi sa kampanya ng local na pamahalaan kontra ASF at magpapataw ng kaukulang parusa sa mga mahuhulihan ng naibebentang karne na kontaminado ng virus.

Niliwanag din ni Belmonte na contained na ang kaso ng ASF sa lungsod noon pang Nobyembre at nitong Enero.

Ang napaulat na karne ng baboy na nai­benta sa supermarket ay nagmula sa labas ng lungsod.

vuukle comment

AFRICAN SWINE FLU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with