^

Police Metro

P650 minimum wage isinusulong

Gemma Garcia - Pang-masa
P650 minimum wage isinusulong
Sa ilalim ng House Bill 668 na inihain ni Salo, layon nito na itaas sa P650 ang minimum daily wage sa buong bansa upang sa ganitong paraan ay hindi na kakailanganin pang umalis ng mga Pinoy at dito na lamang manatili kasama ang kanilang mga pamilya.

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Kabayan partylist Rep. Ron Salo ang P650 minimum wage­ ng mga manggagawa sa buong bansa upang hindi na umano magtrabaho pa sa ibang bansa ng mga Pinoy,

Aniya, ang hindi pantay pantay na minimum wage level sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ay hindi patas sa mga manggagawa dahil ang presyo naman ng mga bilihin ay matataas kahit saan panig ng bansa.

Sa ilalim ng House Bill 668 na inihain ni Salo, layon nito na itaas sa P650 ang minimum daily wage sa buong bansa upang sa ganitong paraan ay hindi na kakailanganin pang umalis ng mga Pinoy at dito na lamang manatili kasama ang kanilang mga pamilya.

Panahon na umano para kumilos­ ang wage boards para makina­­bang sa tumataas na ekonomiya ng bansa ang mga trabahador lalo na ang mga nasa kanayunan.

Nagtataka si Salo kung bakit ang mga manggagawa mula sa pribadong­ sektor ay iba-iba ang minimum­ wages­ depende kung saan sila nakatalaga kahit na pareho lang ang kanilang mga trabaho, habang ang mga emple­yado naman sa gobyerno ay pareho ang bayad kahit saan ang kanilang area maging sila ay nasa Metro Manila o mga malalayong lalawigan.

vuukle comment

MINIMUM WAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with