^

Police Metro

Drug bust: Spanish trader napatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatay ng mga pulis­ ang isang negosyanteng­ Kastila na hinihinalang notoryus na tulak ng co­caine matapos na kumasa­ sa mga operatiba ng pu­lisya nang mauwi sa shootout ang buy bust ope­ra­tion, ka­makalawa sa General Luna, Siargao Island, Surigao del Norte.

Ang napatay na suspek ay kinilalang si Diego­ Lafuente nasa drug watch­list bilang high value target (HVT) ng Caraga Police.

Batay sa ulat, dakong ala-1:50 ng madaling araw nang magsagawa ng buybust operation ang mga otoridad sa bahay ng suspect sa Brgy. 3 ng bayang nabanggit.

Nakipag-deal ang suspek sa poseur buyer at ha­bang nag-aabutan na ng droga ay nakahalata ang suspect na pulis ang kaniyang ka-transaksyon kaya’t agad na binunot ang cal .45 pistol nito at nagpaputok.

Nagmintis sa unang putok ang suspect at mabilis namang gumanti ng putok ang mga kasama­hang pulis ng poseur buyer at napatay ang una.

Bukod sa 10 gramo na nabili ng poseur buyer at P30,000 na buybust mo­ney ay nakakuha pa ng 15 gramo ng cocaine ang pulisya sa nasawing suspect.

Nabatid na si Lafuente ay nag-ooperate ng party house at apparel shop ga­yundin ng isang accommodation business na lahat ay sa bayan ng General Luna.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with