^

Police Metro

Nene hinalay bago pinatay

Joy Cantos, Tony Sandoval - Pang-masa
Nene hinalay bago pinatay
Kinilala ng mga otoridad ang biktima na isang Grade 3 pupil na si Janelle Sanchez, residente ng Highway View, sa nasabing barangay.
File

Bangkay itinapon sa damuhan...

MANILA, Philippines — Bangkay na nang matagpuan ang isang 8-anyos na nene na hinihinalang ginahasa muna bago pinatay at saka itinapon sa masukal na bahagi ng West Valley Subdivision, Brgy. Masin Sur, Candelaria, Quezon, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng mga otoridad ang biktima na isang Grade 3 pupil na si Janelle Sanchez, residente ng Highway View, sa nasabing barangay.

Arestado naman ng Candelaria PNP ang itinuturong pangunahing suspek sa karumal-dumal na krimen na si Ricardo Burce, 55-anyos, at residente rin ng nasabing lugar, na umano’y siyang huling nakitang may bakas ng dugo ang damit na nanggaling sa damuhan, na kalauna’y inamin ang krimen, at nagturo pa sa lugar kung saan nito itinapon ang bangkay ng biktima.

Batay sa ulat, huling nakitang buhay ang biktima noong hapon ng January 5, 2020 na naglalaro sa labas ng kanilang bahay kasama ang kapwa mga bata.

Subalit lumipas na ang magdamag ay hindi na nakauwi ang biktima hanggang sa iulat sa himpilan ng pulisya ng ama nitong si Ronaldo ang pagkawala ng bata.

Matapos umamin ang suspek at itinuro kung nasaan ang bangkay ay natunton ang wala nang buhay na katawan ng bata na nakasubsob sa damuhan at wala ng suot na pang-ibaba, duguan ang ari at punit-punit ang damit na indikasyong hinalay ito.

vuukle comment

KRIMEN

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with