^

Police Metro

Solon nabiktima ng ‘basag kotse’

Mer Layson, Gemma Garcia - Pang-masa

Sa parking area ng mall…

MANILA, Philippines — Nabiktima ng ‘basag-kotse’gang si ACT-CIS Rep. Niña Taduran sa loob ng parking area ng isang kilalang mall sa Aurora Blvd. corner G. Araneta Ave., Quezon City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Galas Police Station 11, nabatid na dakong alas-4:50 ng hapon noong matuklasang basag ang salamin ng Toyota Fortuner (PLI-121) ni Congresswoman Taduran.

Ayon sa mambabatas, ipinarada sa parking area ng mall sa southwing level 3 ang kanyang sasakyan matapos siyang ihatid sa Malacañang para sa signing ng 2020 national budget.

Kumain muna sa loob ng mall ang kanyang mga kasama at pagbalik sa parking area, nadiskub­reng basag na ang salamin ng likurang passenger seat ng sasakyan.

Aabot sa P240,000 na halaga ng mga gamit ang nakuha kay Rep. Taduran, kabilang ang Congress-issued laptop, latest mo­del ng smartphone, alahas, P8,000 cash, USD500 at assorted ATM card.

Ipinagtataka ni Taduran, kung bakit walang CCTV sa pinangyarihan ng insidente gayong isa ito sa requirements sa mga gusali tulad ng mall. 

Sinabi ni Taduran, ma­dali sanang makilala at maaresto ang mga ka­watan kung nakuhanan lamang ng CCTV ang ang pagbasag sa salamin ng kanyang sasakyan.

Tiniyak naman ni Taduran na pananagutin ang naturang mall sa naganap na insidente.

vuukle comment

NIñA TADURAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with