10 drug pusher timbog sa Pasig
MANILA, Philippines — Sampung katao na umano’y drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Eastern Police District (EPD) sa Pasig City, kahapon ng madaling araw.
Ang mga naaresto ay kinilalang sina Jhonard Dela Rosa, alias Bakla, 27; Reynan Perez, 29; Grinco Real, 20; Ruel Arsenio, 35; Rowell Joseph Abalos, 36; Jerome Dumanais, 21; Jason Beniopa, 22; Jimboy Edmilao, 19; Darell Alfonso, 23; at isang menor-de-edad.
Nakumpiska mula sa mga naarestong suspek ang tinatayang 15 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P120,000.
- Latest