^

Police Metro

Misis tinalakan ang lasing na mister, kinatay

Tony Sandoval - Pang-masa
Misis tinalakan ang lasing na mister, kinatay
Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga taga at saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ay nakilalang si Rosalie Avenilla, 46.
File

MANILA, Philippines — Pinagtataga at pinagsasaksak ng mister ang kanyang misis matapos hindi na niya makayanan ang matinding pagbubunganga nito nang umuwi siyang lasing sa bahay, naganap kamakalawa sa Sitio Bucal, Barangay Poblacion, Burdeos, Quezon.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga taga at saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ay nakilalang si Rosalie Avenilla, 46.

Ginagamot naman sa ospital ang suspek na si Rodsel Avenilla, 48 na sinaksak ang sarili matapos na mapatay ang misis.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-9:30 ng gabi ay lasing na umuwi sa kanilang bahay ang suspek na agad tinalakan ng misis.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa napikon ang suspek at kinuha ang itak.

Natakot ang misis at nagtatakbo, pero hinabol siya ng mister at nang maabutan ay sinaksak siya sa katawan at nang sumubsob ay dito na siya pinagtataga hanggang sa mamatay.

Nang mapatay ng mister ang misis ay sinaksak naman nito ang tiyan para magpakamatay, subalit agad siyang nadala ng mga kapitbahay sa ospital.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with