^

Police Metro

6 Chinese, 1 Pinoy dinakip sa kidnapping

Joy Cantos - Pang-masa
6 Chinese, 1 Pinoy dinakip sa kidnapping
Kinilala ni PNP-Anti- Kidnapping Group (PNP-AKG) Deputy Chief ng Luzon Field Unit Police Lt. Col Leo Canuel ang mga biktima na sina Shih Su Yuan, 36, Taiwanese national at Chen Liyong, Chinese national.
File

MANILA, Philippines — Anim na Chinese at isang Pinoy ang nadakip ng mga otoridad sa isang rescue operation sa ginawang pagkidnap nila sa isang Chinese at Taiwanese  sa magkahiwalay na lugar sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PNP-Anti- Kidnapping Group (PNP-AKG) Deputy Chief ng Luzon Field Unit Police Lt. Col Leo Canuel ang mga biktima na sina Shih Su Yuan, 36, Taiwanese national at Chen Liyong, Chinese national.

Sa ulat, bandang ala-7:30 ng gabi nang isagawa ang rescue operation sa pinagtataguan sa biktimang si Yuan sa Dormitory Room 510, No. 1643 Camino Street, Guadalupe Viejo ng lungsod na kinidnap ng 5 Chinese noong Enero 2 dakong ala-1:00 ng hapon.

Dito ay naaresto ang mga Chinese kidnappers  na sina Teng Sheng, 32; Li Jing Zhang, 29 Hang Yi Long, 22; Zhao Shi Guang at Jang Wei,  26.

Nabatid na nakatanggap ng tawag ang PNP-AKG mula sa Taiwan Economic and Cultural Office  (TECO) hinggil sa pagdukot kay Yuan.

Agad namang ikina­sa ang operasyon na nag­resulta sa pagkakasagip sa biktima at napigilan ang tangkang paghingi ng ransom ng mga suspect sa pamilya nito na nakabase rin sa China.

Bago ito, una nang nasagip ng PNP–AKG   si Liyong, 26, empleyado ng isang POGO sa  ilalim ng Yong Cheng Premier Corporation sa Theater Drive, Brgy. Carmona ng lungsod. Si Chen ay kinidnap noong Disyembre 20, 2019 ng suspect na si Yang Zhen kakutsaba ang guwardiyang Pinoy na si Sergio Busuego Jr.

Ikinulong si Chen ng mga suspek sa sarili nitong opisina kung saan tinawagan ng mga ito ang pamilya ng biktima para humingi ng ransom na nagkakahalaga ng 50,000 RMB o katumbas ng ma­higit P300,000.

vuukle comment

KIDNAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with