^

Police Metro

Ginang na HVT, itinumba sa bahay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagbabaril ang isang ginang na umano ay high value target (HVT) sa drug war ng hindi pa nakilalang mga kalalakihan, kamakalawa sa Brgy. Alangitan, Batangas City.

Ang biktima na idi­neklarang dead on arrival sa Health Care Specialist Hospital ay kinilalang si Aida Closa, 59, Rank No. 8 sa Top 15 HVT sa HVT drug personalities sa lalawigan ng Batangas.

Sa ulat, bago nangyari ang pamamaril, dakong alas-10:30 ng umaga sa Beredo Village, Brgy. Alanginan ay nasa loob ng kanyang bahay ang ginang na abala sa paglilnis bilang paghahanda sa pagsalubong sa Bagong Taon nang biglang dumating ang mga salarin.

Walang kaabog-abog na pinagbabaril ng mga suspek ang nabiglang biktima na dinala sa ospital, subalit idineklarang dead on arrival.

Ang mga suspek ay nakita pa ng mga testigo na mablis na tumakas sa lugar lulan ng kulay pu­ting van na may plakang (TBQ 425).

vuukle comment

HIGH VALUE TARGET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with