^

Police Metro

HVT arestado sa P7.5 milyong shabu

Gary Bernardo - Pang-masa
HVT arestado sa P7.5 milyong shabu
Ang suspek na itinuturing na high-value target (HVT) ng Angeles City Police ay kinilalang si Michael Balingit, alyas “Mike”, 39-anyos, at residente ng Northville Brgy. Cutud, ng lungsod.
STAR/File

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng mga pulis ang isang sinasabing kilabot na pusher ng shabu nang masakote at makumpis­kahan ng nasa P7.5-mil­yong halaga ng droga sa isinagawang drug bust operation sa Brgy, Sta Trinidad, Angeles City, Pampanga, noong Biyernes ng hapon.

Ang suspek na itinuturing na high-value target (HVT) ng Angeles City Police ay kinilalang si Michael Balingit, alyas “Mike”, 39-anyos, at residente ng Northville Brgy. Cutud, ng lungsod.

Nakuha mula sa suspek ang nasa 1.2-kilo ng hinihinalang shabu na may street value na P7.5-milyon at perang ginamit bilang marked money.

Ayon sa suspek, ang nakumpiskang shabu ay pinadala lamang sa kanya upang i-deliver sa Angeles City ngunit minalas dahil ang nakatransaksyon nito ay isang pulis na nagpanggap na buyer.

Idinagdag pa ng suspek na kung nakalusot ang nasabing delivery ay kikita umano siya ng P10,000.

Patuloy pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kung anong sindikato ang nasa likod ng pagpapakalat ng droga sa lungsod.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng nasabing suspek.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with