^

Police Metro

Lolo, utas sa tarak ng katomaan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang isang lolo nang saksakin ng kanyang kainuman sa Antipolo City, nitong bisperas ng Pasko.

Ang biktima na nakilalang si Fernando Gonzales, 67, ay namatay dahil sa tama ng saksak sa katawan habang ang suspek na mabilis na tumakas ay nakilala namang si Modesto Efanco, 40, kapwa ng Barangay dela Paz.

Sa ulat ng Antipolo City Police, lumilitaw na dakong alas-10:00 ng gabi ng Disyembre 24 nang maganap ang krimen sa nasabing barangay, ngunit dakong alas-9:00 ng gabi lamang nitong araw ng Pasko nang mai-report ito sa kanilang tanggapan.

Nagtungo umano sa tanggapan ng Police Community Precinct 2 ng Antipolo City Police ang anak na babae ng biktima upang i-report ang krimen.

Sa salaysay nito sa pulisya, natukoy na bago ang pagpatay ay nag-iinuman ang biktima at suspek sa naturang lugar, nang sa ‘di pa batid na kadahilanan ay nagkaroon ang mga ito nang mainitang argumento.

Sa kasagsagan umano ng pagtatalo ng dalawa ay bigla na lang umanong bumunot ng patalim ang suspek at kaagad na sinaksak ang biktima saka tumakas, bitbit ang patalim na ginamit sa krimen.

Isinugod naman ng kanyang mga kaanak sa East Avenue Medical Center ang biktima ngunit bigo ang mga doktor na isalba ang buhay nito.

Nagsasagawa naman na ng manhunt operation ang mga pulis para maaresto ang suspek at mapanagot sa krimen.

vuukle comment

PASKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with