^

Police Metro

4-anyos sinunog nang buhay

Mer Layson - Pang-masa
4-anyos sinunog nang buhay
Sa ulat ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima na nakuha­nan ng CCTV na nakiki­paglaro ng tago-taguan sa isang 11-taong gulang na “child with special needs” at kapwa papunta sa isang bakanteng lote sa lugar.
The STAR/ File

MANILA, Philippines — “Ito ang pinakama­lungkot naming Pasko, lalo na kapag nakikita ko ang mga bagong sapatos at mga damit ni John Andrei para sana isusuot niya ngayong Pasko ngunit hindi na niya ito maisusuot.”

Ito ang malungkot na pahayag ng ina na si Dina Yapit, matapos matagpuan kamakalawa ng alas-3:30 ng hapon ang sunog na bangkay ng anak na si Andrei, 4-anyos sa isang bakanteng lote sa Columbia kanto ng 15th Avenue, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima na nakuha­nan ng CCTV na nakiki­paglaro ng tago-taguan sa isang 11-taong gulang na “child with special needs” at kapwa papunta sa isang bakanteng lote sa lugar.

Ilang minuto ang lumipas ay isang sunog ang naganap sa bakanteng lote at nakita sa CCTV na lumabas sa lote ang 11-taong gulang na kalaro ng biktima.

Agad itinawag ng mga residente sa pamatay sunog ang insidente dahil sa pangambang madamay ang kanilang mga bahay.

Nang maapula ang apoy ay tumambad sa mga bumbero ang sunog na bangkay ng biktima.

Patuloy ang imbes­tigasyon ng pulisya at hindi pa masabi kung ang kalaro ng biktima na hindi muna tinukoy ang pangalan ang may kagagawan ng sunog dahil wala namang nakakita sa kanya at hindi rin naman nakuhanan ng CCTV. 

vuukle comment

PASKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with