^

Police Metro

MWSS nilinaw ang ‘concession agreements’

Pang-masa
MWSS nilinaw ang �concession agreements�
Sa simula pa lamang aniya ay nilinaw na nila na ang “subsisting contract” na 25 taon ng Concession Agreements na nagsimula noong 1997 sa Maynilad at MWCI ay umiiral pa rin at sa taong 2022 pa magtatapos.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng paha­yag si Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Admi­nistrator Emmanuel B. Salamat upang linawin ang impormasyon tungkol sa “concession agreement”sa Maynilad Water Services, Inc. (MWSI) at Manila Water Services, Inc. (MWCI) sa mga di-wastong ispekulasyon sa isyu. 

Anya, nitong nakaraang Linggo, may mga gi­na­wang aksiyon ang MWSS sa pamamagitan ng kanilang Board of Trustees, kaugnay sa mga naging anunsiyo ng Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang ahensiya ng pamahalaan tungkol sa Concession Agreements ng Maynilad at Manila Water. 

Sa simula pa lamang aniya ay nilinaw na nila na ang “subsisting contract” na 25 taon ng Concession Agreements na nagsimula noong 1997 sa Maynilad at MWCI ay umiiral pa rin at sa taong 2022 pa magtatapos.

Ang MWSS Board Resolution No. 2019-201-CO na may petsang December 9, 2019, ay pinapawalang bisa lamang ang dating Board Resolution No. 2009-72 na may petsang April 16, 2009 para sa ‘extension period’ mula 2022 hanggang 2037 ng Manila Water Company and Board Resolution No. 2009-180 na may petsa naming September 10, 2009 para rin sa ‘extension of concession period’ mula 2022 hanggang 2037 ng Maynilad Water Services, Inc. 

Dahil sa mga naging deklarasyon ukol dito ng pamahalaan ay inatasan ng MWSS ang muling pagnenegosasyon ng Concession Agreements sa Manila Water at Maynilad upang alisin ang ‘llegal and onerous provisions’ at madetermina.

vuukle comment

METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with