AWOL na pulis inaresto sa korapsyon
MANILA, Philippines — Isang AWOL na pulis ang dinakip ng mga operatiba ng PNP-Integrity Monitoring Enforcement Group (PNP-IMEG) matapos ireklamo ng malversation o pagwawaldas ng pondo sa isinagawang operasyon sa Brgy. Manggahan, Pasig City, kamakalawa.
Kinilala ni PNP-MEG Director Police Colonel Ronald Oliver Lee ang nasakoteng suspek na si PO1 Christian Agliam, 30, residente ng #181 SPS Road,Wenmar Subdivision ng nasabing lungsod.
Ang suspect ay inaresto, dakong alas-2:00 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Honorio Ebora, Presiding Judge ng Municipal Trial Court (MTC), Branch 71 ng Pasig City kaugnay ng kasong malversation of public property at inirekomenda ang piyansa nito sa halagang P 9,000.00.
Bago inaresto ang suspek ay nasangkot na rin ito sa kasong grave threat at paglabag sa Republic Act 10591 (Anti-Firearms and Ammunition Law) sa Taguig City.
- Latest