^

Police Metro

Sekyu namaril sa xmas party: 3 todas

Ludy Bermudo - Pang-masa
Sekyu namaril sa xmas party: 3 todas
Binawian ng buhay kahapon sa Manila Doctor’s Hospital si Eric Fantastico, 42, operations ma­nager ng Catalina Security Agency at residente ng no. 632 C. Cristobal St., Sampaloc, Maynila matapos sumailalim sa surgical operation.
File

MANILA, Philippines — Isang security guard, manager at kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang namatay habang isa ang malubhang nasugatan nang mamaril ang isang sekyu habang nagdaraos ng Christmas party sa compound ng ahensiya sa kahabaan ng Bonifacio Drive, Port Area, Manila, kamakalawa ng gabi.

Idineklarang dead-on-arrival sa Philippine Ge­neral Hospital (PGH) ang biktimang si Ruben Roces, 62-anyos, may-asawa at empleyado ng DPWH, residente ng Block 6, Lot 6, Rocka 1 B, Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan; secu­rity guard na si Mark Jason Dela Cruz, 35 residente ng no. 321 Lallana St., Tondo, Maynila.

Binawian ng buhay kahapon sa Manila Doctor’s Hospital si Eric Fantastico, 42, operations ma­nager ng Catalina Security Agency at residente ng no. 632 C. Cristobal St., Sampaloc, Maynila matapos sumailalim sa surgical operation.

Nasa kritikal namang kalagayan ang bisita sa nasabing party na si Rachel Bernardo, 46, ina ng isa sa security guard na nakatalaga sa DPWH at residente ng Franco St., Tondo, Maynila.

Nadakip sa follow-up operation ang suspek na si Wilfredo Gamayon, 40, may-asawa, security guard at residente ng no. 1247 Yuseco St., Tondo, Maynila.

Sa ulat, naganap ang pamamaril, alas-9:40 ng gabi sa back exit area sa loob ng DPWH kung saan ay dinaraos ang Christmas party.

Sa hindi malamang dahilan ay pinag-duty ang suspek na si Gamayon kahit ito ay lasing na at nang mapasakamay ang baril ay naglakad ito at hinarap ang mga nagkakasiyahang kasamahan at pinagbabaril na kung saan ay tinamaan ang apat na biktima kabilang ang target na si Fantastico at pagkatapos ay tumakas.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis at nadakip agad ang suspek.

vuukle comment

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with