3 drug pusher dedo sa buy-bust
MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang umano’y tatlong drug pusher sa isang drug buy-bust operation sa San Jose del Monte City, Bulacan.
Kinilala ang tatlong napatay na suspek na sina Penry Aristain; Gerald Buluso at isang alias Randy, pawang nasa hustong gulang at naninirahan sa nasabing lungsod.
Sa ulat, alas-2:00 ng madaling araw ay nagsagawa ng drug buy-bust operation ang mga pulis laban sa tatlong suspek sa Brgy. Kaypian.
Dito ay pumalag ang tatlong suspek at nagtatakbo hanggang sa masukol, subalit sa halip na sumuko ay nanlaban ang mga ito kaya’t nauwi sa shootout na kanilang ikinasawi.
Nabawi sa tatlong suspek ang 23 plastic sachet ng shabu, dalawang cal .38 revolver, isang Honda motorcycle at buy-bust money.
- Latest