Consumers pinag-iingat sa 5 ‘di rehistradong food products
MANILA, Philippines — Naglabas ng babala ang Food and Drug Administration (FDA) upang mapaalalahanan ang mga consumers laban sa pagbili ng limang hindi nakarehistrong food products tulad ng Hell Energy Drink Ice Cool Kiwi; Hell Energy Drink Strong Focus Functional Energy Drink; Hell Energy Drink Strong Apple; Twin M Whole Black Pepper; at ACD Spices Flavorings Cheese Powder.
Batay sa FDA advisory no. 2019-506 ng FDA, na hindi dumaan sa maayos na evaluation process ang limang produkto kaya’t may panganib kapag nainom at nakain.
Hinikayat ng FDA ang publiko na palaging tingnan ang binibiling produkto kung nakarehistro sa ahensya.
Maaaring tingnan ang listahan sa kanilang website na www.fda.gov.ph.
- Latest