^

Police Metro

‘The most honest one’ bilang PNP chief, hanap pa rin ni Duterte

Malou Escudero - Pang-masa
�The most honest one� bilang PNP chief, hanap pa rin ni Duterte
Sinabi ni Go na bukas pa rin ang option ng Pa­ngulo at sinabihan din siya na pabayaan na munang magtrabaho ang buong puwersa ng PNP laban sa iligal na droga at kriminalidad.
File

MANILA, Philippines — Patuloy pa rin ang ginagawang paghahanap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa “the most ho­nest one” na itatala­gang pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang sinabi ni Senator Christopher “Bong” Go matapos na wala pa ring mapiling kapalit ni dating PNP chief Oscar Albayalde kahit patapos na ang 2019.

Sinabi ni Go na bukas pa rin ang option ng Pa­ngulo at sinabihan din siya na pabayaan na munang magtrabaho ang buong puwersa ng PNP laban sa iligal na droga at kriminalidad.

“As far as I know, most likely wala pa po. Sabi niya diyan muna, hayaan mo muna ‘yung ganung set-up, mag-trabaho muna silang lahat at ipakita nila lahat ang kampanya laban sa droga, sugpuin ang kriminalidad,” sabi ni Go.

Nauna nang napaulat na kabilang sa pinagpipilian ng Pangulo ay sina Lt. General Camilo Cascolan, Lt. General Archie Gamboa at Major General Guillermo Eleazar.

Sinabi pa ni Go na magagaling naman lahat ng mga kandidato pero hinahanap ng Pangulo ang pinaka-matapat.

vuukle comment

PNP CHIEF

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with