^

Police Metro

Trader pumalag sa holdap, binoga

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang negosyante ang malubhang nasugatan makaraan itong pagbabarilin ng hindi pa naki­lalang riding in tandem nang pumalag sa holdap naganap kamakalawa sa highway ng Brgy. San Jose, Aurora, Zamboaga del Sur.

Ang biktima ay kinilalang si Dannis Ceniza, 54 may-asawa, residente ng Burgos St., Purok  Madasigon, Brgy. Poblacion, Aurora, Zamboanga del Sur.

Sa ulat, kasalukuyang lulan ng kulay pula at itim  na motorsiklong Honda ang biktima kasama ang misis nitong si Imelda Ceniza, 48 nang harangin ng armadong riding in tandem pagsapit sa lugar.

Dito ay puwersahang kinuha ang bag ng kaniyang misis na naglalaman ng P500,000 na puhunan ng mga ito sa kanilang negosyo  at nang  tangkang pigilan ng biktima ay pinagbabaril ito ng mga holdaper.

Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala  ng cal. 45 pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan na isinugod sa Aurora Community Emergency Hospital sa Aurora, Zamboaga del Sur kung saan patuloy ang mga itong inoobserbahan.

vuukle comment

HOLDAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with