^

Police Metro

Tatay pinatay ng anak, bangkay inilagay sa septic tank

Joy Cantos - Pang-masa
Tatay pinatay ng anak, bangkay inilagay sa septic tank
Ayon sa ulat ng Roxas City Police, may anim na araw na nawawala ang matandang Azuro bago natuklasan na pinatay ito ng sariling anak.
File

Galit umabot na sa sukdulan...

MANILA, Philippines — Umabot na umano sa sukdulan ang kinikimkim na galit ng isang anak sa kanyang umbagerong tatay kung kaya’t pinatay niya ito at ang bangkay ay inilagay sa loob ng septic tank sa Sitio Puntod, Roxas City, Capiz.

Ang pinatay na tatay ay kinilalang si Rizaldo Azuro, 67, residente sa nasabing lugar. Habang nahaharap sa kasong parricide ang anak nitong si Roger Azuro na umamin sa ginawang krimen.

Ayon sa ulat ng Roxas City Police, may anim na araw na nawawala ang matandang Azuro bago natuklasan na pinatay ito ng sariling anak.

Dahil sa pagkabalisa ng ina sa pagkawala ng mister ay dito pinagtapat ng suspek ang krimen na ang bangkay ay inilagay niya sa septic tank na nadiskubre alas-4:00 ng hapon.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagtanim ng matinding sama ng loob si Roger sa ama dahilan sa tuwing malalasing ito noon bata pa siya hanggang sa kasalukuyan ay binubugbog siya nito dahilan kung bakit nagtanim ng galit sa sariling ama na nilaslas niya ang leeg gamit ang itak.

vuukle comment

SEPTIC TANK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with